Relyenong Pusit

rellenong-pusit

rellenong-pusit

Sangkap:

10 pusit, malalaki
½ tasa hipon, tinadtad
¼ tasa kintsay, hiniwa
½ tasa singkamas, hiniwa
1 itlog, batihin
1 kutsarang harina
1 sibuyas, hiniwa
1 kamatis, hiniwa
3 butil ng bawang, dinikdik
suka
asin
paminta

Paraan ng pagluluto:

  1. Linising mabuti ang pusit, alisin ang tinta, tadtarin ang ulo.
  2. Ibabad sa suka, asin, paminta at bawang ang katawan ng pusit.
  3. Igisa ang bawang sibuyas, kamatis, hipon at tinadtad na ulo ng pusit.
  4. Ihalo ang singkamas, kintsay at paminta.
  5. Ilagay sa loob ng katawan ng pusit.
  6. Ilubog sa itlog ang pusit.
  7. Isawsaw sa harina.  Iprito.

Speak Your Mind